Torpe

Paano ba mag-umpisa, at sabihin ang nadarama
Para sa yo, O giliw, tila ako’y napaparalisa
Dagliang natatameme kung kaharap ka na
Tyempong hinahanap mailap, bigo sa twina.

Paano ba bubuoin ang mga tamang salita?
At lakas ng loob saan ako kukuha?
Titingala ba sa langit at uusal kay bathala?
Upang sa iyo ipaalam na minamahal kita.

image

Special thanks to r.o.d. for the pic