Simpleng Pangarap 

Simpleng Pangarap 
By Mina Gimenez 12-08-2016

Simpleng kubo ay sapat na kung ito nama’y tahanan
Malinis at maayos ang loob, paligid ay palibot ng halaman
Punong namumunga marami niyan
Gulayan sa likod, bulaklak naman sa harapan.

Tahanan ko’y punuin ng halakhak at saya
Kaibigan ako’y tumatanggap ng bisita
Pagkain niluto ng pagmamahal nakahain sa mesa
Pagsalusalohan natin at ng aking pamilya.

Di ko kailangan ng maraming salapi
Kung di pagkakaunawaan ito ang sanhi
Away, sigalot, kanya-kanya, kampi-kampi
Maigi pa simpleng pamumuhay payapa naman ang budhi.