Sa Piling ng Dapit-hapon

Sa Piling ng Dapit-hapon

by Mina Gimenez 12-07-2016

Sa bawat dapit-hapon aking mamasdan
Mula sa taas kung saan tanaw ang tanan
Di mapigilan hangaan di malirip na kagandahan
Habang ninanamnam ang sariwang hanging nadaan.

Humahaplos sa katawan pagal
Sa kaluluwa ko’y ginhawang datal
Sa puso ko’y kapayapaang dasal
Sana kagandahan kaloob magtagal.

Ang pagbabalik ko’y iyong hintayin
Ako’y sabik na muling dumating
Pag-alis isantabi wag isipin
Nang kaligayahan buong-buo sa piling.

Advertisements

Simpleng Pangarap 

Simpleng Pangarap 
By Mina Gimenez 12-08-2016

Simpleng kubo ay sapat na kung ito nama’y tahanan
Malinis at maayos ang loob, paligid ay palibot ng halaman
Punong namumunga marami niyan
Gulayan sa likod, bulaklak naman sa harapan.

Tahanan ko’y punuin ng halakhak at saya
Kaibigan ako’y tumatanggap ng bisita
Pagkain niluto ng pagmamahal nakahain sa mesa
Pagsalusalohan natin at ng aking pamilya.

Di ko kailangan ng maraming salapi
Kung di pagkakaunawaan ito ang sanhi
Away, sigalot, kanya-kanya, kampi-kampi
Maigi pa simpleng pamumuhay payapa naman ang budhi.

 

Talon

Talon ng buhay, patuloy lang sa pag-agos
Ng tubig na dalisay, sa puso’y humahaplos
Tangayin nawa damdaming nagpupuyos
Patungo sa dagat at doon humulagpos.

Di man malirip ng payak kong kaisipan
Mga tanong na tila walang kasagutan
Sa tamang panahon ipauubaya na lamang
Mga sagot na tugon saka ko matagpuan.

Harapin ang bukas, na may bagong lakas
Upang sa mga hamon, kayang ilagpas
Pagsubok sampung ulit bigat na likas
Doon sa malayo iwaksi at magwakas.

At sa kung pagdilat ng mata salubong ay dilim
Masaya ako at nasilayan kagandahan mong angkin
Sa aking paglalakbay sa buhay kong aking turing
Talong minsan kong binaba ala-ala babaunin.

Photo Credits : Ryan Joseph Jacob
At Hulugan Falls

#mividaesmiaventura
#katasngpagkabagot
#imback

image

Posted from WordPress for Android

Hugot lang

Tadhana, saan ba kita matatagpuan?
Sa lungsod ba o sa lalawigan?
Sa barrio o kabayanan?
Sa dagat ba o kabundukan?
Ah! Ayaw ko na isipin, ayaw ko na umasam!
Di na kita hahanapin, dumating ka na lang.

#katasngpagkabagot #thatthingcalledtadhana #hangover #hugotlang

image

Posted from WordPress for Android

Pagtanaw

Kung sa aking pagsilip sa dakong paroon
At sa aking pagtanaw ikaw ang naroroon
Masasabi ko na nga nahanap ko na
Ang sa aking buhay ay bubuo, tadhana heto na.

Kagandahan ng kalikasan, malawak na palaruan
Ng mga hayop, halaman di lang ng sangkatauhan
Nilikha ng Diyos, ating pangalagaan
Upang ang susunod na henerasyon, kanila pang abutan.

image

#TapulaoTraverse2015 #mividaesmiaventura