Sa Piling ng Dapit-hapon

Sa Piling ng Dapit-hapon

by Mina Gimenez 12-07-2016

Sa bawat dapit-hapon aking mamasdan
Mula sa taas kung saan tanaw ang tanan
Di mapigilan hangaan di malirip na kagandahan
Habang ninanamnam ang sariwang hanging nadaan.

Humahaplos sa katawan pagal
Sa kaluluwa ko’y ginhawang datal
Sa puso ko’y kapayapaang dasal
Sana kagandahan kaloob magtagal.

Ang pagbabalik ko’y iyong hintayin
Ako’y sabik na muling dumating
Pag-alis isantabi wag isipin
Nang kaligayahan buong-buo sa piling.

Advertisements

Simpleng Pangarap 

Simpleng Pangarap 
By Mina Gimenez 12-08-2016

Simpleng kubo ay sapat na kung ito nama’y tahanan
Malinis at maayos ang loob, paligid ay palibot ng halaman
Punong namumunga marami niyan
Gulayan sa likod, bulaklak naman sa harapan.

Tahanan ko’y punuin ng halakhak at saya
Kaibigan ako’y tumatanggap ng bisita
Pagkain niluto ng pagmamahal nakahain sa mesa
Pagsalusalohan natin at ng aking pamilya.

Di ko kailangan ng maraming salapi
Kung di pagkakaunawaan ito ang sanhi
Away, sigalot, kanya-kanya, kampi-kampi
Maigi pa simpleng pamumuhay payapa naman ang budhi.